Anne Curtis, ikinabahala ang umano’y drilling operations sa Masungi Georeserve

Anne Curtis, ikinabahala ang umano’y drilling operations sa Masungi Georeserve

IKINABAHALA ng actress-tv host na si Anne Curtis ang umano’y drilling operations na ginagawa sa conservation area ng Masungi Georeserve sa Tanay, Rizal.

Sa kaniyang social media post nitong Pebrero 13, 2024 ay sinabi ng aktres na sana ay bigyang prayoridad ang anumang natitirang kagandahan sa kalikasan.

Lalo na aniya’t iilan na lang ang mga ganitong uri ng area malapit sa Metro Manila.

Noong Pebrero 12 ay mayroong post ang Masungi Georeserve hinggil sa anila’y apat na drilling rigs para sa isang wind farm project ng Rizal Wind Energy Corp. at Singapore-Based Vena Energy sa katimugang bahagi ng Masungi Rock Formation.

Sinasabing ang pagtatayo ng 12 wind turbines ay nagdudulot ng pagkasira ng mga tahanan ng local wildlife.

Ngayon ay hinihikayat ng Masungi Georeserve na ihinto ng Rizal Wind Energy Corp. ang kanilang proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble