Anne Curtis, planong madagdagan pa ang World Marathon Majors medal

Anne Curtis, planong madagdagan pa ang World Marathon Majors medal

PLANO ng actress-host na si Anne Curtis na madagdagan pa ng tatlo at gawing anim ang kanyang World Marathon Majors medal matapos ang kanyang matagumpay na pagtakbo sa 2023 Tokyo Marathon noong nakaraang linggo.

Sa kanyang ibinahaging post sa kanyang official Instagram account, ipinagmalaki ni Anne ang kanyang tatlong marathon medals mula New York noong 2016, London noong 2018, at Tokyo Marathon ngayong taon.

Ang runner na makakatapos ng lahat ng anim na marathon sa Boston, Berlin at Chicago ay bibigyan ng Six-Star Finisher title.

Naging emosyonal din si Curtis sa kanyang post at sinabi ang kahalagahan para sa kanya ang matapos ang finish line lalo na ngayong isa na siyang ina.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter