Anthony Davis, hindi na muna makapaglalaro para sa Dallas sa loob ng ilang linggo

Anthony Davis, hindi na muna makapaglalaro para sa Dallas sa loob ng ilang linggo

HINDI na muna makapaglalaro sa loob ng ilang linggo si Anthony Davis para sa Dallas Mavericks.

Ito’y dahil nagkaroon siya ng injury sa kanyang kaliwang adductor, o isang bahagi ng kaniyang kaliwang hita.

Sa unang pagkakataon na naglaro siya para sa Dallas, nakapag-ambag siya ng 26 points, 16 rebounds, 7 assists, at 3 blocks sa loob ng 31 minuto.

Matatandaan na nailipat sa Dallas si Davis at dalawang iba pa mula Los Angeles Lakers sa unang bahagi ng Pebrero sa pamamagitan ng isang trade deal.

Kasunod din ito sa paglipat ni Luka Doncic mula Dallas papuntang Lakers.

Sa naturang trade deal, nagiging teammate na ni Davis si Kyrie Irving.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble