UMARANGKADA ngayon ang anti-colorum operation ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Laguna, na 11 van ang na impound.
Alas singko pa lang ng madaling araw ay kumilos na ang anti-colorum operation ng Inter Agency Council on Traffic at Land Transportation Franchising and Regulatory Board para hulihin ang mga sasakyang illegal na nagbabyahe lalung-lalo na ang mga walang mga papeles o dokumento.
Pumuwesto ang LTFRB at I-ACT sa Brgy. Real Calamba, Laguna at isa sa mga naharang ang van na ito.
Sinasabing company shuttle ito pero kaso nga lang ay wala siyang mga dokomento, walang ding contract of lease.
Maging passenger insurance wala din itong maipakita at makikita din na wala itong body markings kung anong kompanya.
May ipinakitang dokomento ang driver bilang van for hire pero paso na rin ito noong August pa.
Napapansin din na walang distancing sa loob ng sasakyan at punong puno ito.
Ganito din ang eksena sa isa pang van na naharang na ang mga sakay ay mga empleyado din ng isang kompanya.
Sa kabuuan umabot sa labing-isa ang bilang ng mga van na nahuli.
Ang mga ito ay nakatakdang dalhin sa impounding area ng LTFRB sa Magalang, Pampanga na kung saan duon na rin ito tutubusin ng mga may-ari ng sasakyan.
Nasa 200K ang halaga ng babayaran ng may-ari para tubosin ang mga sasakyang na impound.