Anti-Cybercrime Unit ng NBI, ikinakasa na, laban sa mga hackers na magsusulputan sa 2025 election

Anti-Cybercrime Unit ng NBI, ikinakasa na, laban sa mga hackers na magsusulputan sa 2025 election

INIHAHANDA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pwersa ng kanilang Anti-Cybercrime Unit na tutulong sa Commission on Election para tiyakin na magiging bantay sarado ang seguridad ng 2025 Midterm election laban sa mga hackers.

Kapwa sinabi nina NBI Director Jaime Santiago nina Comelec Chairman George Erwin Garcia at NBI Director Jimmy Santiago na kapwa sila nagkasundo na palakasin ang cyber security ng COMELEC laban sa mga magtatangkang manggulo sa darating na halalan.

Nakatakda namang lagdaan ng NBI at COMELEC ang Memorandum of Understanding para pagtibayin ang ipapatupad na kasunduan.

Samantala nauna diyan ay naaresto ng NBI ang ilang personalidad na sangkot sa cyberattack sa maraming websites ng iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble