Anti-Discrimination Bill, pasado sa third and final reading sa Kongreso – Cong. Hataman

PASADO na sa third and final reading sa Kongreso ang Anti-Discrimination Bill.

Layunin ng panukala na ito na mabigyan ng pantay-pantay na trato at pagtingin sa bawat Pilipino kahit na ano ang tribo nito.

Dagdag pa ni Cong. Hataman, hindi lamang ito para sa mga Muslim kundi ito ay para sa mga Pilipino na nakararanas ng discrimination.

“So ibig sabihin, ang application nito, talagang beneficial ito sa lahat ng ating mga kababayan,” ayon kay Hataman.

Sa ngayon, ani Cong Hataman, nakikipag-ugnayan na ito kay Sen. Joel Villanueva at nag-countert na rin ito kay Sen. Sonny Angara, at Sen. Juan Miguel Zubiri at hinihintay na lamang ng mga ito ang pagdinig sa isyung ito.

Kung maisasabatas ang Anti-Discrimination Bill, maaaring makulong o magbayad ang nagkasala ng danyos hanggang isangdaang libong piso.

SMNI NEWS