Anti-submarine capabilities ng PH Navy, mas palalakasin pa

Anti-submarine capabilities ng PH Navy, mas palalakasin pa

INIHAYAG ng Philippine Navy ang plano nitong dagdagan pa ang kanilang mga asset na may kaugnayan sa pagpapalakas ng kanilang anti-submarine capabilities.

Ito ang inihayag ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad matapos mamataan ang isang Russian Submarine sa Occidental Mindoro nito lamang Nobyembre 28.

“Yes the modernization has, number one, a very strong CISR component for maritime domain awareness, telling us what is out there. The submarine program hindi naman sya namatay. It is now at the Department of National Defense level. We submit, we defer to their wisdom on how it will proceed,” pahayag RAdm. Roy Vincent Trinidad, Spokesperson, WPS, PN.

Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Trinidad na nakapagsumite na umano sila ng proposal para sa pagbili ng dalawa pang karagdagang corvettes o di kaya’y frigate.

“We have submitted proposals for two more corvettes, I believe, or two more frigates,” dagdag ni Trinidad.

Binigyang-diin pa ni Trinidad na malaki ang pangangailangan para sa karagdagang naval assets ng Pilipinas upang lalo pang mapalakas nito ang seguridad mula sa panlabas na banta.

“Yes, that need has been noticed by the Philippine Navy years ago. That’s why in our Re-Horizon 3 that already includes more corvettes, more ships, and other anti-submarine warfare capabilities,” aniya.

Sa kasalukuyan, mayroong dalawang missile frigate ang Pilipinas, ang BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna na may kakayahan din sa anti-submarine warfare.

Habang may dalawang guided missile corvette at anim na offshore patrol vessels ang kasalukuyang binubuo sa South Korea at dalawa pang landing docks naman ang binubuo sa Indonesia.

“We have two frigates. We have six corvettes already in the construction pipeline, six OPVs, we have also two corvettes and additional two LPDs or two LDs landing docks,” aniya.

Ekonomiya palakasin muna bago bumili ng mga armas—geopolitical analyst

Ngunit para sa isang geopolitical analyst na si Professor Herman “Ka-Mentong” Laurel kung meron man umanong dapat palakasin ito ay ang ekonomiya ng bansa.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Ka-Mentong, sinabi nito na wala nang tatalo sa isang bansa kung malakas ang ekonomiya nito.

“Ang talagang depensa ng isang bansa ay ekonomiya kung matatag ang ekonomiya mo kung ikaw ay makakasustento ng populasyon mo ng isa dalawang taon na walang importasyon ng pagkain,” saad ni Prof. Herman “Ka-Mentong” Laurel, Geopolitical Analyst.

Paliwanag nito na kaya tayo kinakawawa ng mga malalaking bansa ay dahil mahina ang ating ekonomiya, hindi katulad ng ibang bansa.

“We cannot speak any defense at all kaya po tayo ay nagagamit lang ng Estados Unidos, samantalang ang Malaysia may sabmarino, Indonesia may sabmarino, Thailand may sabmarino tayo wala, bibili daw? Eh kung sana tayo ay tulad ng Malaysia 12,000 per kapita income kada mamamayan tayo 3,800 lang papaano tayo makaka-afford ng sabmarino na hindi natin papatayin ang sariling mamamayan natin sa gutom,” ani Laurel.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter