Anti-viral drug na Remdesivir, gagamitin ng DOH kontra COVID-19

Anti-viral drug na Remdesivir, gagamitin ng DOH kontra COVID-19

INILAHAD ngayon ng pamahalaan na umorder na ng anti-viral drug na Remdesivir para makatulong sa recovery ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ay matapos manguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia ang Pilipinas.

Ang Remdesivir ay unang napatunayan na mabisang gamot laban sa Ebola virus at nauna na rin itong ginamit ng ibang bansa laban sa COVID gaya ng Japan.

 

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, napatunayan na 30% ang maitutulong sa recovery rate ng isang COVID patient gamit ang nasabing gamot.

 

Ani Duque, magiging bahagi ng COVID-19 treatment ng DOH ang Remdesivir dahil ginagamit na rin ito sa ilang pribadong ospital sa bansa.

Subalit nilinaw ni Duque na hindi lahat ng COVID-19 patients ay bibigyan ng Remdesivir.

 

Pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III kaugnay sa gamot na Remdesivir:

 

Samantala, umaasa naman ang DOH na mapapababa ng kanilang treatment efforts ang tumataas na COVID-19 infections sa bansa.

Lalo na ngayon na numero uno na ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia sa bilang ng COVID-19 cases.

Ang bansang Indonesia ang dating may pinakamaraming COVID- 19 cases sa Southeast Asia hanggang sa umeksena ang Pilipinas.

SMNI NEWS

 

ALTHEA Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.