Anti-virus creator na si John McAfee, natagpuang patay sa kanyang selda

Anti-virus creator na si John McAfee, natagpuang patay sa kanyang selda

SA edad na 75, pumanaw na ang anti-virus software entrepreneur na si John MacAfee.

Ito ay matapos siyang natagpuang patay sa loob ng kanyang selda.

Ayon sa Catalan Justice Department, sinubukan siyang buhayin ng prison medics.

Lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon na nagpakamatay si John McAfee, sinabi rin ng abogado nito na nagbigti ang anti-virus expert.

Samantala, matatandaan na Oktubre 2020, naaresto si McAfee sa Spain matapos akusahan ng hindi pagbabayad ng tax returns sa loob ng apat na taon.

Noong 2018, inamin ng 75-taong gulang na Bitcoin guru na nagpapalaki ito ng hanggang 47 bilang na mga bata.

Ikinasal si McAfee sa isang nagngangalang Janice at naging asawa niya ito ng walong taon hanggang sa kanyang pagkasawi.

Taong 2012 nang isinangkot ng mga otoridad si McAfee sa kasong murder sa pagkamatay ng kanyang kapit-bahay na si Gregory Faull.

Dalawang beses na ring pumasok ang tech entrepreneur sa US politics bilang kandidato sa pagkapresidente noong 2016 at 2020 ngunit hindi ito nagtagumpay.

SMNI NEWS