AO para sa 125th anniversary ng PH Independence, nilagdaan ni PBBM

AO para sa 125th anniversary ng PH Independence, nilagdaan ni PBBM

PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isang administrative order (AO) na lumilikha ng inter-agency committee para sa paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kalayaan at nasyonalidad ng Pilipinas.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 8 na nilagdaan ng Punong Ehekutibo noong Martes, ang komite ay naatasang padaliin ang pagpaplano at pagpatutupad ng mga programa at proyekto para sa  anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Pamumunuan ito ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) habang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magsisilbing vice-chair.

Kabilang naman sa mga miyembro ng inter-agency committee ay ang Department of Tourism, Department of Education, Department of National Defense, Department of Information and Communications Technology, Department of Trade and Industry, Department of Budget and Management, Department of Labor and Employment, Department of Transportation, at ang Metro Manila Development Authority.

Gugunitain ng bansa ang ika-125 anibersaryo ng kasarinlan ng Pilipinas mula 2023 hanggang 2026 upang pagtuunan ang kalayaang pinaghirapan ng mga ninunong Pilipino tungo sa kanilang pinangarap para sa bansa at ang kasaysayan na hinahangad na alalahanin at bigyang-parangal.

Nakasaad sa Republic Act No. 10086 o ang “Strengthening Peoples’ Nationalism Through Philippine History Act” na ang estado ay dapat magbigay ng paraan upang palakasin ang nasyonalismo ng mga tao, pagmamahal sa bayan, paggalang sa mga bayani nito at pagmamalaki sa mga accomplishment ng bawat indibidwal.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kahalagahan ng pambansa at lokal na kasaysayan ng Pilipinas sa pang-araw-araw na buhay.

Naatasan din ang komite na muling pasiglahin ang suporta ng pamahalaan para sa makasaysayang pananaliksik; pagpapanatili at pagpapahusay ng mga programa para sa proteksiyon, preserbasyon at pag-iingat ng historical relics at memorabilia, monumento, lugar at iba pang makasaysayang mapagkukunan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

lydie ni