UMABOT sa apat na kabahayan ang nabagsakan ng naglalakihang bato mula sa taas ng bundok sa kahabaan ng Sitio Ese, San Rafael, Rodriguez, Rizal
Batay sa salaysay ng mga opisyal ng barangay, alas 10:00 ng gabi kagabi nang abisuhan ang mga nakatira sa lugar na magsilikas dahil sa posibleng pagguho ng lupa at mga bato na nasa itaas ng bundok.
Hinala ng kapitan ng barangay na si Eron Alvarez, ang tuloy tuloy ng pag uulan ang dahilan ng mabilis na pagguho ng lupa
Giit ni Alvarez na matagal nang inabisuhan ang mga residente sa nasabing sitio huwag nang tumira dahil sa deklarasyon ng Municipal Environment Office na isang danger zone ang kinatitirikan ng kanilang lugar
Pero ayon naman sa kuwento ng may ari ng nasirang bahay, alam na nila ang posibleng mangyari sa kanilang tirahan pero halos wala naman daw mga pagguho na nagaganap noon, biglaan lang din daw ito dahil sa mga pag-uulan.
Ayon sa Municipal Housing Office ng Rodriguez, Rizal, agad na hahanapan ng titirhan ang mga apektadong pamilya at agad ding bilang pagtitibayin ang ordinansa na nagbabawal na tayuan ng bahay ang kahabaan ng Sitio Ese dahil sa delikadong sitwasyon sa lugar.