BREAKING: Apat na empleyado ng Manila City Hall, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na empleyado ng Manila City Hall.

Kinumpirma ito ni Mayor Isko Moreno sa kanyang anunsyo sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong umaga, Marso 8.

Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Isko sa kanyang mga medical frontliner ng lungsod na huwag ipagkibit-balikat ang pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil aniya ito ay proteksyon laban sa nasabing sakit.

Aniya, marami silang gustong magpabakuna ngunit hindi magawa sapagka’t may alintuntunin na ipinatutupad ang Interim National Immunization Technical Advisory Group o INTAG at ang Inter-Agency Task Force o IATF kaugnay sa deployment ng mga bakuna.

Dagdag pa ni Moreno, baka malagay sa alanganin ang bansa sa kasunduang sinamahan ng libreng bakuna mula sa COVAX Facility kung saan tanging mga medical frontliner ang uunahin sa pagbabakuna sa nasabing COVID-19 vaccine.

“Lumalago ang panganib, I hope you understand it very well. We will continue to move on, no ifs no buts but we need your help, we need your cooperation, we need your self-discipline,”pahayag ni Mayor Isko.

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published.