APEC Economic Leaders’ Summit, pangungunahan ng Thailand

APEC Economic Leaders’ Summit, pangungunahan ng Thailand

MATAPOS ang halos 3 taong pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo, pinangunahan ngayon ng bansang Thailand ang kauna-unahang in-person APEC Economic Leaders’ Week sa Bangkok.

Layunin nito na patatagin ang kalakalan at ekonomiya ng mga bansang Asya kasama ang mayayamang bansa na itinuturing na lider sa masiglang kalakalan at ekonomiya sa buong mundo tulad ng Estados Unidos, Canada, Japan, Australia, China.

Sakay ng Philippine Airlines, tumulak na patungong Thailand ang delegasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para dumalo sa kauna-unahang APEC Leaders’ Summit ng kanyang administrasyon.

Dito ilalahad ng mga kalahok na mga bansa ang kanilang economic agenda at mga kinakaharap na isyu lalo na sa pamumuhunan, food security at kalakalan.

Sentro ng APEC na kilalanin ang potensiyal na kakayanan ng bawat enonomic country sa daan patungo sa pagpapalago ng kani-kanilang mga ekonomiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter