ISANG oportunidad ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit para isulong ang agenda at prayoridad sa ekonomiya.
Ito ang inihayag ni Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil sa Palace briefing ngayong araw.
Kabilang dito ang pagpapalakas ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at ang kanilang pagkakasama sa mga pandaigdigang value chain.
Gayundin ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga maritime crew at seafarer sa pagtiyak ng matatag at resilient supply chains, pagtiyak ng food and energy security kabilang din ang climate change mitigation at adaptation.
Idinagdag pa ni Garafil na lalahok din si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa APEC CEO Summit, na isang pulong ng mga nangungunang lider ng negosyo sa rehiyon.
Makikipagpulong si Pangulong Marcos sa top executives ng Thai companies upang pag-usapan ang business opportunties, investments at expansion plans.