Apelang ihahain ng Teves Camp matapos kanselahin ang pasaporte nito, tututulan ng DOJ

Apelang ihahain ng Teves Camp matapos kanselahin ang pasaporte nito, tututulan ng DOJ

TUTUTULAN ng Department of Justice (DOJ) ang apela na posibleng ihain ng kampo ni Dating Cong. Arnie Teves matapos kanselahin ng korte ang pasaporte ng dating kongresista.

Pebrero 8 inilabas ng Manila Regional Trial Court (Manila RTC) Branch 51 ang kautusan upang mapawalang-bisa ang pasaporte ni Teves.

Noong Nobyembre 2023, inihain ng DOJ ang mosyon ukol dito at itinuturing nga nitong “fujitive from justice” si Teves.

Ang nasabing desisyon ng korte ay dahil na rin aniya sa patong-patong na murder cases nito at designation nito bilang terorista matapos ang Pamplona Massacre noong Marso 4, 2023.

Ang kampo ni Teves, iginiit na hindi pa naman final and executory ang desisyon ng korte.

Ayon sa abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio, iaapela nila sa korte na bawiin ang naturang desisyon.

“The cancellation of Rep. Arnolfo Teves’ passport by the RTC at the first instance is in no way final and executory,” ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, Abogado ni Arnie Teves.

“There is still an entire slew of legal remedies available to us in order to reverse the same, and we fully intend to resort to all of them,” aniya.

Sinabi naman ni DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano na tututulan nila ang anumang mosyon na ihahain ng Teves Camp.

“’Yong sinasabi ng kabilang kampo na maghahain sila ng MR sa Korte, sa Court of Appeals, sa Korte Suprema, io-oppose talaga namin, thus is something we will not let up on no, itong kaso na ito ay nagpapakita ng impunity sa ating bansa,” ani Asec. Mico Clavano, Spokesperson, DOJ.

Giit nito, dapat lamang na harapin ni Teves ang kaso niya dito sa Pilipinas.

Sa pamamagitan aniya ng kanselasyon ng pasaporte ni Teves ay hindi na aniya ito makakapagbiyahe pa ng ibang bansa at mapipilitan itong umuwi na ng Pilipinas.

“’Yon naman talaga ang gusto natin na to come back home and face the charges like a man,” ayon pa kay Clavano.

“We did want to bring him to proper venue, dahil matagal na natin siyang nakikita sa mga interviews, marami siyang binabanggit tungkol sa kaso ngunit hindi niya hinahanap ang mismong charges,” aniya.

Ayon kay Clavano, magiging epektibo ang kanselasyon ng pasaporte ni Teves 15 araw kasunod ng paglabas ng desisyon ng Korte.

Kung may ihahain mang mosyon ang Teves Camp bago ang pagkatapos ng 15 araw, ayon kay Clavano.

“It will depend in the appreciation of the judge, that’s a bone of contention din, dahil doon naman sa decision, nilagay naman doon ang personality ni Ginoong Teves, ay ia-acknowledge lang kung haharap siya mismo sa Korte,” dagdag nito.

“Due process dictates na ‘yong decision po ay magiging final, and executory upon 15 days which may chance na mag-file ng kahit anong pleading nila kasama na po diyan ang motion for reconsideration nila,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble