SISIMULAN na ng Food and Drug Administration (FDA) na iproseso ang mga kinakailangang dokumento para sa AstraZeneca makaraang mag-apply na ito ng emergency use authorization para sa kanilang anti-COVID-19 vaccine na ipapasok sa Pilipinas.
Samantala sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na sinisikap nila na masimulan ang pagbabakuna sa bansa sa kalagitnaan ng taong kasalukuyan.
Gayunman ay nilinaw ng FDA na kahit may bakuna na ay kailangan pa ring maging maingat ang publiko at sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols.
Target ng Pilipinas na makabili ng 148 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa pitong mga kompanya sa taong kasalukuyan.