Aplikasyon para sa postal ID, bukas na muli—PhlPost

Aplikasyon para sa postal ID, bukas na muli—PhlPost

BUKAS na muling tumanggap ang Philippine Postal Corporation (PhlPost) ng aplikasyon para sa postal ID.

Sa nais kumuha ng postal ID, maaaring pumunta sa pinakamalapit na post office sa inyong lugar.

Nasa P550 naman ang application fee para dito.

Para sa first time applicant, magdala ng orihinal o photocopy ng kanilang proof of identity gaya ng birth certificate mula sa Philippine Statistics Authority o sa lokal na Civil Registry, GSIS, SSS UMID Card, driver’s license o passport.

Magdala rin ng kanilang proof of address gaya ng barangay clearance, bank statement, credit card statement, utility bill, at iba pa.

Sa renewal, dalhin lang din ang naturang requirements kasama na ang orihinal na copy ng expired na postal ID.

Matatandaang sinuspinde ang aplikasyon ng postal ID noong Marso 2023 dahil sa isyung teknikal.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble