HINIMOK ni Davao City Rep. Pulong Duterte ang kanyang anak na si Rodrigo ‘Rigo’ Duterte III na ipagpatuloy ang ‘Duterte brand of public service’ na napasimulan ng kanilang pamilya.
Sa isang pagkikita sa pagitan ng mag-amang Duterte at ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Davao City kamakailan, hinimok si Rigo ng kanyang amang kongresista na pagsilbihan ang mga Dabawenyo.
“The Duterte brand of public service has earned the Dabawenyos utmost trust and confidence for several decades now,” saad ni Rep. Pulong.
Pinag-usapan naman ng tatlong henerasyon ng mga Duterte ang naging buhay ni PRRD sa serbisyo publiko pati na ang buhay pagkatapos ng term ng dating Pangulo.
Sa ngayon, makailang beses nang nirerepresenta ni Rigo si Congressman Pulong sa ilang public activities gaya ng pamamahagi ng proyekto sa unang distrito ng siyudad.
Nagkatagpo naman ang tatlo sa mismong bahay ni PRRD.