BINABANTAAN ng Apple Inc. na i-block ang Twitter Inc. mula sa kanilang app store.
Ito ang akusasyon ni Elon Musk na siyang may-ari ng Twitter kasabay ng pag-anunsyo rin nito na huminto na ang Apple na mag-advertise sa nabanggit na social media platform.
Ayon kay Musk, pini-pressure ng Apple ang Twitter hinggil sa content moderation at ito nga ang sanhi sa umano’y pagbabanta.
Sa ngayon ay hindi pa nagkomento ang Apple sa akusasyon subalit hindi rin naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari.
Ang apps gaya ng Gab at Parler ay naranasan nang tinanggal sa app store ng Apple.