PAGDIDIIN ng Office of the Vice President (OVP) na libre at walang babayaran ang pagkuha ng application forms para sa kanilang social services.
Ayon sa OVP na available ang kanilang public assistance application forms sa central at sa lahat ng satellite offices.
Nilinaw pa ng ahensiya na dapat lamang itong gamitin ng mga kliyente na nagri-request ng mga sinasabing serbisyo.
Paglalahad ng OVP, nakakatanggap sila ng mga ulat na ilang mga indibidwal ang nagbebenta ng public assistance application forms na ginagamit upang i-document ang profile ng mga kliyente na nais mag-avail ng Medical and Burial Assistance Program.
Samantala, hanggang Disyembre 2, umabot na sa higit P179.5 milyon ang naipamahaging assistance ng OVP sa higit 19,000 na indibidwal.
Ayon sa OVP, ang medical at burial assistance ay ilan sa mga pinakanire-request na serbisyo.
Maliban sa OVP Central Office sa Mandaluyong City, maaari ding i-avail ang medical at burial assistance sa 7 satellite offices ng ahensiya sa Dagupan, Bacolod, Cebu, Tacloban, Zamboanga, Davao, at Tandag sa Surigao del Sur.
MGA KAUGNAY NA BALITA
VP Sara, aminadong marami pang lugar sa bansa ang hindi naaabot ng social services ng OVP