WELCOME development para sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagsasabatas sa Republic Act 11937 na naggagawad ng Filipino citizenship sa PBA import na si Justin Brownlee.
Batay sa Malacañang, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas nitong Huwebes ng gabi.
Dahil dito, eligible nang makalaro ang American basketball player sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Qualifiers.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, kahanga-hanga ang pagnanais ng banyagang manlalaro na dalhin ang bandila ng Pilipinas sa international competition.
Sa Kamara, mabilis lamang na naipasa ang House Bill 6224 para sa Filipino citizenship ni Brownlee.
Ngayon Pebrero, makakalaban ng Pilipinas ang Jordan at Lebanon para sa sixth and final window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gagawin dito sa bansa.