Approval rate ni Biden, bagsak pa rin ayon sa pinakahuling poll

Approval rate ni Biden, bagsak pa rin ayon sa pinakahuling poll

BAGSAK pa rin ang approval rate ni Pangulong Joe Biden ayon sa pinakahuling poll.

Malaking porsiyento ng mga Amerikano ang hindi pa rin bilib at negatibo ang pananaw sa kasalukuyang ekonomiya ng Estados Unidos ayon sa huling survey sa Amerika.

Humigit kumulang 69 porsiyento ng mga tao sa Estados Unidos ang nagsasabing lumalala ang ekonomiya ng Amerika, habang mababa rin ang approval rating ni Pangulong Biden sa iba’t ibang isyu ng bansa.

Ayon sa poll na isinagawa ng ABC News at Ipsos, 12 porsiyento lamang ng mga Amerikano ang positibo sa nangyayari sa ekonomiya ng Amerika habang 18 porsiyento ang nag-iisip na ito ay nananatiling pareho.

Ang bilang na ito ay umabot sa pinakamataas na punto noong 2008 nang umakyat ito sa 82 porsiyento sa panahon ng Great Recession.

Ang mga pananaw ng mga Amerikano sa paghawak ng Pangulo sa pagbawi ng ekonomiya ay nanatiling labis na negatibo at halos hindi nagbabago mula sa parehong poll noong unang bahagi ng Hunyo.

Ang rating ni Biden sa inflation ay mas mababa pa na may 29% approval rating, habang 69 porsiyento ay dismayado sa pamamalakad ng Pangulo.

Ang tanging kategorya na positibo ang pananaw kay Biden ay ang kanyang paghawak sa mga presyo ng gas na umaabot sa 34 na porsiyento, na tumaas ng pitong puntos mula noong Hunyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter