April 30 deadline ng PUV consolidation, ‘di na palalawigin pa

April 30 deadline ng PUV consolidation, ‘di na palalawigin pa

SA mga kababayan nating tsuper at jeepney operators, wala na pong magiging extension o hinding-hindi na palalawigin ang franchise consolidation ng Public Utility Vehicles (PUV).

Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos Jr., ito’y dahil malaking factor ang PUV franchise consolidation upang masolusyonan ang trapik sa Metro Manila.

Ang deadline ng consolidation ay sa April 30 na.

Noong buwan ng Enero nang lagdaan ni PBBM ang pagpapalawig ng deadline para dito.

Nilinaw ni PBBM na ang paglagda nya sa extension ng deadline ay para maisaayos ang sistema ng PUV franchise consolidation nang hindi mapabigat ang babayaran ng drivers at operators.

Sa kasalukuyan ay nasa 190k PUVs kabilang na ang UV express, PUJs, mini-bus at maging mga bus ang sumali sa consolidation ayon sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble