KINILALA na ngayon ang kantang ‘APT’ ni Rosé at Bruno Mars bilang ‘fastest K-pop video’ na umabot ng mahigit 700 million views sa video sharing platform na YouTube.
Ito’y dahil nakam+it ng kanta ang naturang views sa loob lang ng 70 araw kumpara sa 118 araw ng kantang ‘Gangnam Style’ ng Korean solo artist na si PSY noong 2012.
Kaugnay nito, No. 1 naman si Rosé sa Top 30 individual brand value rankings ng K-pop idols para sa buwan ng Disyembre.
Sa datos ng Korea Brand Reputation Research Institute, nasa 18.8M na brand points ang nakuha ng nabanggit na Blackpink artist.
Noong Nobyembre, nanguna rin si Rosé matapos nakakuha ng 19.8M brand points.
Balik sa December rankings, sinundan si Rosé ni G-Dragon ng BigBang, Karina ng aespa, Wonyoung ng IVE, at Jin ng BTS para sa Top 5.