“Aquaman” actor Jason Momoa, binigyang-diin ang dulot na banta ng deep-sea mining

“Aquaman” actor Jason Momoa, binigyang-diin ang dulot na banta ng deep-sea mining

MULING ipinaalala ni “Aquaman” actor Jason Momoa sa publiko ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa Sundance Film Festival na isinagawa noong Biyernes, sinabi ni Momoa na nakasisira ang deep-sea mining sa marine ecosystems.

Komento ito ng aktor matapos ibinahagi ang isang bagong documentary na may pamagat na “Deep Rising” kung saan sinasabi rito na mababawasan ang dependence ng mundo sa fossil fuel sa pamamagitan ng deep-sea mining.

Sa deep-sea mining ay makakakuha ng nickel at cobalt na magagamit sa paggawa ng electric car batteries.

Sinabi naman ng director ng “Deep Rising” na wala silang maayos na pag-aaral hinggil dito at hindi nila masyadong alam ang banta. Jason Momoa

Follow SMNI NEWS in Twitter