Aquaman star Jason Momoa, ipinanawagan sa publiko na panahon na para protektahan ang karagatan

Aquaman star Jason Momoa, ipinanawagan sa publiko na panahon na para protektahan ang karagatan

IPINANAWAGAN ni Aquaman star Jason Momoa na panahon nang magkaisa ang buong mundo upang protektahan ang karagatan.

Ito ang sinabi ng Aquaman star sa naging UN Ocean Conference na isinagawa sa Lisbon, Portugal.

Kasama ni Jason si Portuguese President Marcelo Rebelo de Sousa at UN Secretary General Antonio Guterres na isa ring Portuguese.

Ayon kay Jason, kung hindi maganda ang estado ng karagatan, nagmimistula lang ding hindi umiiral ang mundo.

Dahil dito, napapanahon na aniyang itama ang mga nagawang mali upang maibalik ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa kasalukuyan.

Ang UN Ocean Conference na co-organized ng Portugal at Kenya ay nagsimula kahapon June 27 at magtatapos ito sa July 1, 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter