Arabic language, Islam values pinatuturo sa mga paaralan

Arabic language, Islam values pinatuturo sa mga paaralan

NAIS ngayon ni Deputy Minority Leader Mujiv Hataman na ituro sa mga eskwelahan sa bansa ang Arabic language at ang Islamic values.

Partikular itong pinasasali ni Hataman sa Values Education sa Philippine Basic Education System.

Ayon sa kongresista, tutugon ito sa ‘diversity of learning needs’ sa mga kabataan lalo’t malaking bilang ng populasyon sa bansa ay Muslim.

“At ang pagtuturo ng Arabic language at Islamic values education ay makakapagpataas din ng antas ng kamulatan para sa kultura at mga tradisyon ng mga Muslim. Kaya ito rin ay isang panukala laban sa diskriminasyon base sa relihiyon,” ayon kay Hataman.

Batay sa House Bill 7130 o Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) Act ni Hataman, kapwa ituturo sa public at private institutions ang dalawang paksa.

Sa ngayon, may kaparehong panukala sa Senado kung saan si Senator Win Gatchalian ang may akda.

Follow SMNI NEWS in Twitter