IDINEKLARANG special non-working day ang selebrasyon ng Araw ng Davao sa Davao City ngayong darating na Marso 17, 2025.
Ito ang taunang selebrasyon ng mga Dabawenyos kung saan binibigyang pugay ang mayamang kultura at kasaysayan ng lungsod.
Nagsimula ang selebrasyon noong Marso 1 na may temang “Pasiugdang Pagsaulog” kung saan tampok ang iba’t ibang event.
Kabilang dito ang Hulagway sa Araw ng Dabaw, Rondalsayaw, Dabawenyo ako Walking Tours, Datu Bago Awards, Mercado Dabawenyo, Pasidungog: Garbo sa Dabaw, Mutya ng Dabaw Grand Coronation at Parada Dabawenyo at Hugyaw Dabaw.
Samantala, hindi naman makakadalo ang Bise Presidente sa nasabing okasyon dahil nasa Netherland ito ngayon matapos ang ilegal na pag-aresto ng ICC sa ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.