DAGSA ang senior citizens at magkakapamilya sa Marikina City para sa Love Rewind: Pag-ibig na Babalik-balikan Valentine’s Day Concert ngayong hapon.
Nasa 40,000 ang inaasahang dadalo sa event sa pangunguna nina City Mayor Marcy Teodoro at Marikina Rep. Maan Teodoro.
Ang OPM icon na si Rey Valera at APO Hiking Society ang manghaharana sa mga residente ngayong Araw ng mga Puso.