Arawang kaso ng COVID-19 sa buwan ng Hulyo, posibleng umabot sa mahigit 1.2k; Pagtaas ng COVID 19 cases, ‘di pa maituturing na surge – DOH

Arawang kaso ng COVID-19 sa buwan ng Hulyo, posibleng umabot sa mahigit 1.2k; Pagtaas ng COVID 19 cases, ‘di pa maituturing na surge – DOH

NAGBABALA si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas mula 8001,200 ang arawang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buwan ng Hulyo.

Aniya, ito ay kung patuloy na kakalat muli ang COVID-19 sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Magugunitang, nagkakaroon na ngayon ng kaunting pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Ngunit ayon sa DOH, hindi pa maituturing na surge ang kasalukuyang pagtaas ng COVID-19 cases at nananatiling low risk ang klasipikasyon ng bansa.

Ayon naman kay Dr. Anthony Leachon, ang pagtaas ng kaso ay dahil sa mga variant na Omicron, pagbaba ng immunity habang tumatagal ang bakuna sa katawan ng tao at paglabag sa minimum public health standards.

Sinabi rin ni Dr. Leachon na posibleng magkaroon ng long COVID-19 syndrome ang mga tinatamaan ng virus bagama’t mild lamang ang mga naitatalang kaso sa bansa.

Payo ni Dr. Leachon, dapat magpaturok na ng booster shot upang madagdagan ang layer of protection sa bansa.

Samantala, nakapagtala ang DOH ng 612 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nito lamang Linggo.

 

Follow SMNI News on Twitter