Arm wing support sa North Luzon Command, sapat laban sa CPP-NPA ayon sa AFP

Arm wing support sa North Luzon Command, sapat laban sa CPP-NPA ayon sa AFP

SAPAT pa ang suportang tinatanggap ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-North Luzon Command sa laban nito kontra CPP-NPA sa North at Central Luzon.

Personal na binisita ni North Luzon Commander Lt. General Ernesto Torres, Jr. ang Tactical Operations Wing Northern Luzon (TOWNOL) para tingnan ang seguridad at operasyon ng Northern Luzon Command.

Hakbang ito sa patuloy na pagtitiyak na hindi malulusutan ang mga kasundaluhan mula sa banta ng insurhensiya, sa mga nagtatangkang sumakop sa karagatang pagmamay-ari ng bansa at maging sa terorismo.

“Contributions and support towards the accomplishments of NoLCom’s campaigns in the conduct of maritime air patrols in our sovereign waters, territorial defense operations, counter insurgency efforts, and humanitarian assistance and disaster response operations,” pahayag ni Torres.

“We hope that our collaborative efforts will continue to foster as we bring to a close our counter insurgency campaign and reach our goal of ending local communist armed conflict in this part of our country,” dagdag nito.

Ayon naman sa tagapagsalita ng NOLCOM na si Lt. Col. Elmar Salvador, malaki aniya ang tulong ng mga tropa ng Philippine Air Force sa mabilis na pagtugon sa ground operations ng Philippine Army upang tuluyang buwagin ang pamamayagpag ng mga natitira pang miyembro ng CPP-NPA sa Hilaga at Gitnang Luzon.

“Of course sa tulong po ng Philippine Air Force, ang TOWNOL ay lagi po tayong naka-ready na magresponde po sakaling kailanganin tayo ng mga ground force na sa mga frontlines natin na mga on-going na mga combat operations ng ating mga ground force lagi pong naka-ready, nakaantabay ang ating TOWNOL, ang Tactical Operations Wing po ng ating Northern Luzon Command,” ayon kay Salvador.

Kaugnay nito, tiniyak ng grupo sa mga tauhan nito na huwag maging kampante sa mandatong ipinagkaloob ng pamahalaan upang protektahan ang soberanya at kaligtasan ng mamamayang Pilipino.

“We cannot rest on our laurels. Give your best every waking day, and take pride in your positions being one of the defenders of the north and vanguards of our sovereignty,” pagdidiin ng heneral.

Bagama’t ginagawa naman ng mga sundalo ang lahat kasabay ng tuluy-tuloy na suporta ng pamahalaan pagdating sa mga kagamitan at sistema, pero hindi pa rin maiwasan na magkaroon ng mga engkwentro laban sa mga komunistang teroristang grupo dahil sa mga nakukuha nitong oportunidad sa mga kabundukan na nagsisilbing kuta ng mga ito.

“Isa pong challenges natin dito talaga ay iyong sinasamantala po nila yung maluwang na kabundukan, masusukal na mga kabundukan, sinasamantala nila iyon, upang makapagtago at makaiwas sa ating mga kasundaluhan,” ani Salvador.

Kaya naman pakiusap ng militar sa publiko, patuloy na makipag-ugnayan sa mga otoridad upang maiwasan ang gulo, at anumang karahasan dulot ng mga kaguluhang ginagawa ng mga komunistang teroristang kilusan na ito.

 

Follow SMNI News on Twitter