Armor Division ng PH Army sa Gamu Isabela, nagsagawa ng tree planting activity

Armor Division ng PH Army sa Gamu Isabela, nagsagawa ng tree planting activity

NAGSAGAWA ng tree planting activity ang Armor Division, Philippine Army sa Brgy. District 1 ng bayan ng Gamu sa Isabela nitong nakaraang Martes, Mayo 28, 2024.

Kabuuang 200 puno ng mahogany at narra ang naitanim.

Ayon kay CPT Joanna Rose C Mejia (ARM) PA, Commanding Officer, 1st Cavalry (RAPIDO) Company, Armor Division, taon-taon nilang isinasagawa ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad bilang tulong ng Pambato Troopers sa komunidad at kalikasan lalo na sa panahon ng sakuna.

Bahagi ito sa pagdiriwang ng Armor (Pambato) Division’s sa kanilang ika-48th Founding Anniversary, na may temang, Armor@48th: Matatag na Pambato Troopers para sa Bagong Pilipinas.

Katuwang naman nila sa isinagawang aktibidad ang munisipalidad ng Gamu sa pangunguna ni Vice Mayor, Mitzi Cumigad, mga residente ng District 1, kasama ang kanilang punong barangay, mga empleyado ng ACDI, faculty members ng Isabela School of Arts and Trades at mga volunteer ng Philippine National Anti-Crime Group (PNACG), sa pangunguna ng kanilang chairman, Chief Armado A. Alaska

Sinabi ni Vice Mayor Cumigad, mahalaga na ang bawat isa ay matutong magpahalaga sa kalikasan dahil kailangang maisalba natin ang ating kinabukasan para sa mga susunod pa na henerasyon.

Sa lahat aniyang mga development na isinasagawa ng mga komunidad ay dapat na isaalang-alang ang kalikasan.

Aniya, respetuhin at sundin ang mga batas na pinapatupad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Follow SMNI NEWS on Twitter