KINORONAHAN si Ms. Sophia Matas ng Quezon City University bilang Miss ROTC NCR 2023.
Ang nasabing patimpalak, na kauna-unahan sa kasaysayan ng Philippine ROTC Games-NCR Leg, ay ginanap nito lamang Oktubre 7, 2023 sa GSIS Theater, Manila.
Naiuwi ni Miss Matas ang korona laban sa 21 na kandidato mula sa iba’t ibang unibersidad at paaralan sa National Capital Region (NCR).
Sila ay nagpatalbugan hindi lamang sa pagrampa suot ang kanilang regular at parade uniforms kundi nagtagisan din ng talino sa question and answer portion.
Ang Miss ROTC ay bahagi ng ROTC Games. Ito ay may layunin na i-promote ang ROTC sa mga kabataan.