MAS marami pa rin ang nananatiling supporters ni Pinoy singer Arnel Pineda na nagsisilbi ring vocalist ng American rock band na Journey.
Ito’y kahit hinikayat niya na ang kaniyang haters na i-vote out siya at paalisin sa Journey.
Sa kaniyang social media post, kung aabot ng isang milyon ang mag-comment ng “go” ay aalis na siya sa banda.
Ngunit maaari namang mag-comment ng “stay” ang sinumang nagnanais na manatili siya sa Journey.
As of writing, nasa 4K na ang nag-comment sa kaniyang post at madalas pa sa commenters ay suporta para manatili siya sa Journey.
Nag-ugat ang kaniyang social media post nang maraming fans ng Journey ang hindi umano kontento sa performance ni Arnel sa Rock in Rio Festival.
May nagsasabi pa na hindi na kayang abutin ng Pinoy singer ang high notes sa “Don’t Stop Believing”.