Arnie Teves, hindi pa nakaalis sa PGH

Arnie Teves, hindi pa nakaalis sa PGH

NANANATILI pa rin sa Philippine General Hospital (PGH) ang dating kongresista na si Arnie Teves Jr.

Ang pagkakaantala ay hindi sanhi ng kampo ni Teves kundi dahil sa kakulangan ng angkop na transportasyon na may sapat na seguridad para maibalik siya sa kaniyang piitan.

Kulang din ng order mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kaniyang pagbabalik sa piitan.

Matatandaan na binigyan na ng clearance si Teves na ma-discharge mula sa PGH.

Babalik na sana siya sa kaniyang selda sa Annex 2 ng BJMP nitong Hulyo 1, 2025 bago magtanghali.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble