Arnie Teves inaresto ng BI ng Timor-Leste ngayong araw

Arnie Teves inaresto ng BI ng Timor-Leste ngayong araw

INARESTO kaninang umaga sa Timor-Leste si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr. habang nananatili sa naturang bansa bilang asylum seeker.

Batay sa Facebook post ng kaniyang anak na si Axl Teves nitong Miyerkules ng umaga, dinakip si Teves ng mga immigration officers ng Timor-Leste.

Makikita rin sa video post ni Axl na isinailalim sa kustodiya ng immigration police ang dating kongresista.

Ayon sa kaniya, walang ipinakitang warrant o anumang dokumento bago ang pag-aresto.

Si Teves ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4, 2023 sa tahanan ng gobernador sa Pamplona, Negros Oriental.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng kampo ng dating konresista.

“Good morning. As far as I know, these are the only confirmed facts:

At around 8 p.m. yesterday (Dili time), our client, Rep. Arnolfo Teves, was taken from his residence in Dili together with his Timor-Leste counsel, Dr. Joao Serra, by immigration police. The lawyer was manhandled by the said police.

The two are presently detained in the compound of the Ministry of the Interior. Mr. Teves has counsel inside the compound.

No warrant or any written authority was shown to Mr. Teves and Dr. Serra as to the cause of detention.

No further details as of this time. Thank you,” pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Lawyer – Arnie Teves.

Sa pahayag ng abogado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, sinabi nitong inaresto si Teves at ang kaniyang lokal na abogado na si Dr. Joao Serra noong alas-8 ng gabi (oras sa Dili) habang nasa kanilang tirahan.

Dagdag ni Topacio, pinuwersa ng mga awtoridad si Dr. Serra sa gitna ng operasyon.

Sa Facebook video naman ng anak ni Teves, mariing sinabi nito na ilegal ang pagkaka-aresto sa kaniyang ama at tinawag niya itong pangkikidnap.

Bukod rito, naglabas din ng pahayag ang Department of Justice kaugnay sa pagdakip ng dating congressman.

Saad ng ahensiya, nananatiling handa ang gobyerno ng Pilipinas na iuwi ang dating kongresista upang harapin ang mga kasong kinakaharap nito.

Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga awtoridad ng Timor-Leste habang hinihintay ang pormal na proseso ng deportation o extradition ni ex-Cong Arnie Teves.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble