Arnie Teves, pinalaya at inaresto muli sa Timor-Leste

Arnie Teves, pinalaya at inaresto muli sa Timor-Leste

MULING inaresto sa Timor-Leste ang pinalaya na sanang si Arnie Teves, ang dating kongresista ng Negros Oriental.

Sa impormasyon ng Department of Justice (DOJ), nasa kustodiya na muli ng mga pulis si Teves upang harapin ang inaasahan nitong extradition.

Nitong Lunes, Hunyo 10, 2024, nang inanunsiyo ng kampo ng dating kongresista na pinalaya na si Teves mula sa preventive detention sa Timor-Leste.

Nadiskbubre umano ng mga awtoridad doon na ang extradition request mula sa Pilipinas ay hindi nakasunod sa international law kaya isang dahilan ito para palayain si Teves.

Sa panig ng DOJ, ang pagpapalaya at muling pag-aresto kay Teves ay bahagi ng proseso ng Timor-Leste.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble