Arnie Teves sa umano’y planong arestuhin siya sa paliparan: I am innocent until proven guilty

Arnie Teves sa umano’y planong arestuhin siya sa paliparan: I am innocent until proven guilty

ITINUTURING ni suspended Cong. Arnie Teves, Jr. na pang-aabuso sa kaniyang karapatang pantao ang planong harangin at arestuhin ito sa oras na magbabalik-bansa ito.

Mayroon aniya lumabas na memorandum order galing kay Commissioner Norman Tansingo para dito noong nakaraang linggo.

Giit ni Teves sa isang Facebook video, kahit pa may kaso na siya ay nanatili siyang inosente puwera na lang kung mapatutunayang guilty ito sa pagpatay kay Negros Oriental Oriental Gov. Roel Degamo.

Kamakailan lang ay sinampahan ng patung-patong na reklamo ng NBI si Teves kaugnay ng Degamo murder.

Hirit pa nito, ito ang iniiwasan niya kaya ayaw niyang umuwi ng bansa.

Ang Bureau of Immigration, dumepensa.

Aniya ang pagmonitor kay Teves ay parte ng kanilang trabaho para sa mga high-profile cases.

“The BI wishes to clarify that such instruction is merely a part of the BI’s protocols in monitoring individuals who are subject of high-profile cases. Coordination with local law enforcement agencies is crucial in the proper implementation of BI Procedures,” saad ng Bureau of Immigration (BI).

Pero anito, ang pag-aresto sa mga Filipino nationals ay hindi na saklaw ng kanilang trabaho.

“Arresting Filipino Nationals is not within the scope of the agency,” ayon pa sa Bureau of Immigration.

Katunayan aniya, nakatanggap ito ng request mula sa Philippine National Police Aviation Security para paigsiin ang procedures sa kaniyang pagdating dahil sa seguridad na ibibigay ng mga ito sa kongresista.

 “BI received a request from Philippine National Police Aviation Security yesterday to expedite Cong. Teves arrival formalities should he arrive in the country, as they will be providing security assistance to ensure his security and safety,” dagdag ng Bureau of Immigration.

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tamang proseso ang sinusunod nila at tiniyak na hindi pa ito aarestuhin kapag uuwi na ito ng bansa.

Aniya, seguridad ang ibibigay nila kay Teves sa pag-uwi nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter