Arrest order para kay Mayor Alice Guo, ipinag-utos ng Senado

Arrest order para kay Mayor Alice Guo, ipinag-utos ng Senado

IPINAG-utos ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ang pag-isyu ng arrest order laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito’y dahil hindi pa rin dumalo si Guo sa Senate hearing nitong Hulyo 10 hinggil sa POGO hub ng kaniyang lugar.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, ang patuloy na pagbabalewala ng kampo ni Guo sa mga subpoena ay isang pagpapakita ng kawalan ng galang nila sa Senado.

Sa panig ng mayora, hindi ito makakadalo sa mga hearing dahil sa kaniyang health concerns.

Subalit para sa mga senador, posibleng hindi totoo ang sinasabing “health concerns” dahil walang medical certificate na sumusuporta dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble