ARTA, pinamamadali ang pagsusuri sa pagpapalawak ng SRA ng health workers

ARTA, pinamamadali ang pagsusuri sa pagpapalawak ng SRA ng health workers

PINAMAMADALI ng Anti Red-Tape Authority (ARTA) ang pagsusuri sa pag-papalawak ng Special Risk Allowance (SRA) sa lahat ng health workers sa ospital.

Isa ngayon sa gustong mangyari ng ARTA ay ibigay ang mga kailangan ng 5,000 health workers at huwag nang kwentahin pa ang mga araw na nagtrabaho ang mga ito.

Inuudyok ng Anti Red-Tape Authority ang Department of Health na pabilisin ang pag-aaral sa mga polisiya para sa posibleng pagpapalawak ng SRA sa lahat ng mga health care workers sa ospital.

Ayon sa Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, ang mga health workers lamang na may direktang kontak sa COVID-19 patients ang maaaring makatanggap ng SRA.

Pero para kay Secretary Jeremiah Belgica, Director General ng ARTA, mahirap malaman kung sino ang pwedeng mahawahan ng nakakamamatay na sakit sa ospital at iba pang mga pasilidad nito.

“Huwag na po natin piliin ang mga bibigyan ng SRA dahil it is almost impossible to say who is a direct contact of a COVID-19 positive patient pagdating sa ospital. Minsan, pintuan palang ng ospital may mae-encounter ka na na positive pala sa COVID-19,”ayon kay Belgica.

Dagdag pa ni Belgica na ang DOH ay hindi na kailangan bilangin kung gaano karaming araw nagtrabaho ang mga health workers, bagkos ibigay na lamang sa mga ito ang maximum na 5,000 kada buwan.

Ayon sa Administrative Order No. 36, Series of 2021 ito ay nag lalahad na ang ibibigay na halaga na matatannggap na sakop ng SRA ay nakadepende sa dami ng araw na nag trabaho sa ospital.

Para naman sa DOH at Department of Budget and Management (DBM) Joint Circular No. 1, Series of 2021, sinasabi nito na ang public at private health workers ay makatatanggap ng hindi tatataas sa 5,000 kada buwan.

“Hirap na hirap na po ang health workers natin na walang tigil sa pagtatrabaho ngayong pandemya. Sana ay padaliin na po natin ang proseso sa pagkuha nila ng kanilang mga benepisyo dahil marapat lamang na matanggap nila iyon,”dagdag nito.

Kung matatandaan noong Setyembre 6, ipinahayag din ni Senador Christopher “Bong” Go ang parehong sentimyento ni Belgica sa posibleng pagpapalawak ng probisyon ng SRA sa lahat ng health workers na nagtatrabaho sa health facilities sa panahon ng pandemya.

Pinapaalalahana din ni Go bilang Chair of the Senate Committee on Health, ang Health Department na siguraduhin ang health workers ay may tamang suportang natatanggap sapagkat ang mga ito ay ang pangunahing humaharap sa laban ng nakamamatay na sakit na COVID-19

Sa mga nakaraang pag dinig sa Senado, ang Chairman ng Commission on Audit (COA) na si Michael Aguinaldo ay nagkasundo na makipagtulungan sa health department para maisaayos ang mga tatanggap ng SRA para nang sa gayon ay mas marami pang health workers ang matulungan.

“Gaya po ng lagi kong sinasabi, ang red tape sa panahon ng pandemya ay nakamamatay. Kaya mas mabuti na pong magtulong-tulong tayo para tuluyan na nating matalo ang COVID-19 na patuloy na nagpapahirap sa mga kapwa natin Pilipino,”ayon kaya Belgica.

Sa mga nakaraang pag pupulong ng DOH at ng DBM sinabi ditto na patuloy parin ang kanilang pag hahanap ng kapamaranan kung papaano maibibigay ang kinakailangang benepisyo na matatanggap ng health workers.

SMNI NEWS