Artificial intelligence, inaasahang magdadala ng mahigit dalawang trilyong piso sa bansa kung gagamitin ng mga negosyo

Artificial intelligence, inaasahang magdadala ng mahigit dalawang trilyong piso sa bansa kung gagamitin ng mga negosyo

TINATAYANG aabot ng 2.6 trillion pesos ang papasok sa bansa kung gagamit ang mga negosyo dito ng Artificial Intelligence (A.I.) powered solutions.

Sa paliwanag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, malaki ang maitutulong ng paggamit ng A.I. sa pagpapaunlad ng mga negosyo gaya ng sa retail, logistics, manufacturing, at financial services.

Mapapatatag rin ng A.I. ang digital transformation maging ang local innovation ng Pilipinas.

Tiniyak naman ng NEDA na sa pamamagitan ng paglulunsad ng national A.I. strategy roadmap 2.0 ay masusuportahan ang mga indibidwal na mawawalan ng trabaho sa pamamagitan ng upskilling, reskilling at training.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter