ASEAN leaders positibo na babalik ang estado ng rehiyon bilang economic driver sa buong mundo –PBBM

ASEAN leaders positibo na babalik ang estado ng rehiyon bilang economic driver sa buong mundo –PBBM

IPINUNTO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nais ng lahat ng mga ASEAN member states na maibalik ang dating estado ng rehiyon.

Ito ay ang maging main driver ng global economy.

“However, as a ray of hope is that everyone seems to agree also that the driver of the coming economy for the next year, maybe two, is still going to — can still come from here, can still. Not necessarily will, it can. If we do of all the things that we’re supposed to do, if we put all the structural elements in place, we can go back to the pre-pandemic situation where the main driver of the global economy was Southeast Asia,” ayon kay Pangulong Marcos.

Isa rin sa usapin na mahalagang tinalakay sa ASEAN Summit ay ang isyu sa lumalalang sigalot sa Myanmar na nasa ilalim ng militar na pamamahala.

Paliwanag ni Pangulong Marcos na bagama’t may iba sa ASEAN ang nais tanggalin sa membership ang Myanmar, may mga ilang miyembro din naman ang hindi pabor dito.

Kaya naman narito ang naging rekomendasyon ni Pangulong Marcos na sa tingin nitong nararapat para sa sitwasyon ng Myanmar.

“Sinabi ko, kausapin natin lahat. Kausapin mo pati ‘yung nasa position, pati ‘yung nasa nakaupo, pati ‘yung naka — kahit naman sino na interesado dapat kausapin natin o pag-usapin natin. So that was — all of us came down on different — slightly different positions along the entire spectrum of completely kicking out Myanmar from ASEAN and for engaging them fully. Nobody wanted to engage the generals. Nobody wanted to engage the high-level officials. But there are certain — iba-ibang level of engagement ang kanilang ina-ano, ang kanilang sinasabi,” pahayag ni Pangulong Marcos.

 

Follow SMNI News on Twitter