ASF, na-detect sa 61 na baboy sa Bayan ng Albay

TINATAYANG 61 baboy ang nakaatakdang patayin matapos itong magpositibo sa African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Bacacay sa probinsiya ng Albay.

Ayon kay Bacacay Mayor Armando “Dinky” Romano, ang Barangay Hindi, kung saan nanggaling ang 61 mga baboy ay ang epicenter na ngayon ng kaso ng ASF.

Inabisuhan ang mga magbababoy na nasa loob ng 500 meter ng bayan na isailalim ang kanilang mga baboy sa ASF examination at sa oras na magpositibo ang mga ito sa sakit, agad na kakatayin ang mga ito.

Samantala, sinabi ni Romano na itinayo na ang mga animal checkpoints sa borders ng Bacacay upang inspeksyunin ang pagpasok at paglabas ng mga hayop kabilang na ang meat products mula sa mga lugar na idineklarang ASF hot spots upang apigilan ang pagkalat ng sakit.

SMNI NEWS