SISIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) ang roll out ng kanilang government-controlled vaccination sa non-red zones o mga lugar na walang active cases ng African Swine Fever (ASF).
Ito ay para mapabilis ang implementasyon ng ASF vaccination program.
Batay na rin ito sa inilabas na DA Administrative Circular No. 13 noong Nobyembre 19 kung saan inamyendahan ang kanilang Administrative Circulars No. 5 at 8.
Bago ang pag-amyenda ay tanging prayoridad ng bakunahan ang mga lugar na may aktibong kaso ng ASF.