Asia leg ng ‘Right Here’ world tour, sisimulan na ng Seventeen

Asia leg ng ‘Right Here’ world tour, sisimulan na ng Seventeen

ON the go na naman muli para sa Asia leg ng kanilang ‘Right Here’ world tour ngayong Biyernes, Nobyembre 29 hanggang 30, 2024 ang K-pop boy group na Seventeen!

Sa nabanggit na mga araw, tutungo ang grupo sa Vantelin Dome, Nagoya, Japan para sa isang two-night show.

Susundan naman ito ng isa pang two-night show sa Tokyo Dome, Tokyo sa Disyembre 4-5.

May four-night show rin ang grupo sa Kyocera Dome, Osaka sa Disyembre 12 hanggang 15 habang Disyembre 19 hanggang 22 sa Mizuho Paypay Dome, Fukuoka, nasa Japan pa rin.

At sa Enero 18 at 19, 2025 na nga ang muling pagbisita ng grupo sa Pilipinas.

Gaganapin ang kanilang concert sa Philippine Sports Stadium, Bulacan.

Matatandaan na Nobyembre 9 hanggang 10 natapos ang U.S. leg ng kanilang ‘Right Here’ world tour.

Sa kabilang banda, ngayong araw, Nobyembre 27 ay ini-release na rin ng grupo ang kanilang panibagong Japanese single na may pamagat na ‘Shohikigen’ o ‘Expiration Date’ sa English.

Kasabay rin na ini-release dito ang Japanese versions ng kanilang mga kantang ‘Circles’ mula sa 2022 repackage album na ‘Sector 17’ at ‘Maestro’ mula April 2024 compilation album na ’17 is right here’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble