PUMANAW na sa edad na 84 ang isang beteranang mang-aawit sa bansa na si Carmen Pateña.
Ito ay kinumpirma mismo ng kaniyang kapatid na si David Pateña sa pamamagitan ng isang social media post.
Nakaburol naman ang labi ng singer sa J. Paredes Memorial Chapel sa Brgy. San Vicente 1, Silang Cavite.
Ang mang-aawit ay nasawi nitong Hulyo 31, araw ng Miyerkules. Hindi naman ibinahagi ang dahilan ng pagkamatay nito.
Si Carmen Pateña ay nakilala sa larangan ng musika noong 1960’s at 1970’s.
Ilan sa kanta nito ay ang Shing a Ling Loo, Pretty Girl, at We Only Live Wais.