Assassination plot kay BBM, minomonitor na ng PNP Anti-Cybercrime Group

Assassination plot kay BBM, minomonitor na ng PNP Anti-Cybercrime Group

KINUKUMPIRMA pa ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant  at dating Senador Bongbong Marcos (BBM).

Sa isang pahayag na ipinadala sa SMNI News, sinabi ni PNP Anti-Cybercrime Group Public Information Head Police Lieutenant Michelle Sabino na inatasan na ang kanilang cyber response unit para makipag-ugnayan sa kampo ni dating Senador Bongbong Marcos.

Kasunod ito ng napabalitang assassination plot laban kay Marcos na ngayo’y tumatakbo sa pagkapangulo para sa 2022 national and local elections.

“Our Director (PBGen. Marvin Manuel Pepino) had already tasked our CRU (Cyber Response Unit) to coordinate with BBM’s camp regarding the assasination plot in response to CPNP’s guidance,” pahayag ni Sabino.

Giit ng grupo, hindi na bago ang ganitong klaseng mga banta, nataon lan din anila na may pandemya kung kayat madalas na ginagamit ngayon ang social media upang dito isagawa ang mga kaparehong pagbabanta at iba pang uri ng krimen.

“Hindi nman sa karaniwan ang ganitong mga threat. Nataon lang that due to the pandemic; which restrains people from moving around conveniently, some people use social media as a means to go about with their campaign…and maybe because more and more people are into social media, kaya dito na sa cyber world nagaganap ang karamihan sa mga krimen,” ani Sabino.

Nauna na ring tiniyak ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos at titingnan nila ang ulat para aniya masiguro ang kaligtasan ng lahat at ang mapayapang eleksiyon sa bansa.

 “We will talk to the liason, the one that would relay all the information given tapos ipapasa na namin sa task unit to verify and take neccessary steps based on the result of the verification. Mayroon pong nagtext na sa akin, so, I have already the number, ang gagawin po namin ay makikipag ugnayan na po dito sa nasabing partikular na concern na ito,” pahayag ni Carlos.

Samantala, nakikiusap naman ang pulisya sa publiko na iwasan muna na magpahayag ng konklusyon hangga’t hindi pa napatutunayan ang nasabing insidente pero agad din naman nila itong iimbestigahan kung may katotohanan ang nasabing ulat.

Dagdag pa ni Sabino, karaniwang ginagamit ang TikTok app bilang isang stress reliever at hindi para sa mga seryosong mga bagay.

“We have to bear in mind that TikTok platform is something that people don’t take seriously….TikTok is usually used to relieve stress like the dancing, lip synch, dubbing,” ani Sabino.

“So before we conclude anything we first need to validate and investigate the veracity of the report,” dagdag ni Sabino.

Sa kabilang banda, nagpapatuloy pa rin ang monitoring o pagbabantay ng PNP Anti Cyber Crime Group katuwang ang Cyber Patrollers Investigation Unit para tumugon sa mga tinatanggap ng ilang indibidwal na may kaparehong pagbabanta sa buhay.

“CPIU (Cyber Patrollers Investigation Unit ) is likewise continuously monitoring issues of similar concern,” ani Sabino.

Matatandaang, nitong weekend, kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakatanggap ang kanilang office of cybercrime ng online tip ukol sa umano’y kill plot kay Marcos.

Follow SMNI News on Twitter