Assessment sa malakas na lindol sa Abra, nagpapatuloy ayon sa NDRRMC

Assessment sa malakas na lindol sa Abra, nagpapatuloy ayon sa NDRRMC

NAGPULONG ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Abra.

Pinangunahan ito ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino at ilan pang opisyal.

Ayon sa NDRRMC, nakatanggap na sila ng preliminary information sa pinsala ng lindol sa Abra na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng ng bansa.

Pero kasalukuyan itong isinasailalim sa berepikasyon.

Patuloy din ang assessment ng mga lokal na pamahalaan pero sa inisyal na impormasyon ay walang kuryente at internet sa Abra.

Follow SMNI NEWS in Twitter