525K AstraZeneca vaccine, gagamitin na bilang paunang dosis para sa frontline workers

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon na gamitin ang 525K AstraZeneca vaccines bilang paunang dosis.

Ito ay upang maprotektahan ang mga frontline healthcare worker sa mga lugar kungsaan tumataas ang bilang ng hawaan ng COVID-19.

Ang 525K AstraZeneca vaccines ay donasyon mula sa COVAX Facility at kasalukuyan na itong ginagamit sa pagbabakuna sa mga healthcare worker sa buong bansa.

Unang inerekomenda nina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez Jr na ipamamahagi ang lahat ng 525,600 vials ng AstraZeneca bilang paunang dosis para sa mga health worker.

“We can use all of the 525,000 AstraZeneca vaccines as first dose so we give more, we provide partial protection to a lot more healthcare workers,” ayon kay Duque.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Pangulong Duterte na baka hindi darating sa takdang panahon ang ikalawang dosis para sa medical frontline workers na nakatanggap na ng unang dosis.

“Ang problema, ‘yung naturukan na, at kailangan na ng second dose. The second dose is critical here,” ayon pa ng Pangulo.

Pinawi ni Duque ang pangamba ng Pangulo nang sabihin nitong aabot pa sa 12 hanggang 3 months ang recommended interval sa pagitan ng una at pangalawang dosis ng AstraZeneca vaccine.

Sinabi rin ni Galvez, inaasahan nang darating sa bansa sa unang bahagi ng Abril ang 979,200 dosis ng AstraZeneca vaccine na donasyon mula sa COVAX Facility, isang global vaccine sharing initiative.

SMNI NEWS