AstraZeneca, hindi na tumatanggap ng order para sa kanilang COVID-19 vaccine

HINDI na tumatanggap ng mga bagong order ang UK-based AstraZeneca para sa kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa Laging Handa Public Briefing.

Sa kabila nito, sinabi ni Concepcion na bukas pa ang Novavax mula indIa na tumanggap ng mga order mula sa private sector.

Ayon sa opisyal, nasa 200 doses pataas dapat ang orderin Novavax vaccine.

Tiniyak naman ng opisyal na tutulungan ng gobyerno ang micro, small, and medium enterprise (MSME) na hindi abot ang 200 doses.

Matatandaang bumili ang Pilipinas ng 17 milyong doses ng bakuna sa AstraZeneca.

SMNI NEWS